← Click cover to see issue
Clara Romance

Ex Talk

The silence was killing him. Ilang beses niyang sinuklay ang buhok. Sa bawat segundong lumipas, sumakit ang lahat sa kanya. Nahirapan siyang huminga. Kailangan niyang magyosi. Kailangan niya mag-relax.

And that’s what he did.

Nagyosi siya.

Lecheng self-control ‘yan.

“Wala na ba tayong chance?” tanong niya.

Fuck! Nahihibang na ba siya? Ba’t ba hindi niya mapigilan ang mga lumalabas sa bibig niya?

Don’t ask, Harry.

Don’t.

“Sa tagal nating naging magkaibigan ulit, wala ba talaga?” aniya.

Tangina.

Niyakap ni Clara ang mga tuhod nito at yumuko. Nanatili silang tahimik. Nakaupo. Magkatabi sila pero hindi malapit sa isa’t-isa. It was like there was an invisible wall between them. Gusto niyang tibagin ang pader na ‘yon.

If he could just hug her again just like the good ol’ days.

“Siguro, tama nga sila.”

Tahimik lang si Harry. Humithit siya sa yosi. Nagpatuloy si Clara.

“Ang selfish ko nga siguro nung tinanong ko kung pwede ba tayo maging magkaibigan pa rin pagkatapos ng breakup,” natatawang sabi ni Clara at binalingan muli ang kawalan. “Kasi ayaw kong mawala ka sa akin.”

“Clara…”

“Hindi ko kasi talaga kaya makipag-commit dati. Kasalanan ko naman na parang pinaasa kita at sinagot. Pero ayaw kong mainis pa ako sa’yo habang tayo kaya nakipag-break na lang ako,” sabi nito. “But when you said you’re okay with just being friends, I was happy. And I was selfish. Not knowing while we’re being friends, you’re hurting.”

Itinapon ni Harry ang paubos na stick at muling napasuklay sa buhok. Mahigpit ang paghawak niya sa mga hibla—halos sabunutan na ang sarili. Sinigaw ng puso niya ang lahat ng mura sa sakit na nararamdaman. Sinigaw ng puso niya ang oo, nasasaktan ako pero ang nasabi niya ay isang salita lang: “Hindi.”

“Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo.” Clara stared at Harry’s eyes. “Masyado kang mabait sa’kin.”

Ngumisi siya. “Ikaw ang masyadong mabait.”

“Bakit?”

“Gago lang ako para iparamdam sa’yo na selfish ka.”

“Harry. . .”

“Ang selfish ko nga siguro nung tinanong ko kung pwede ba tayo maging magkaibigan pa rin pagkatapos ng breakup,” natatawang sabi ni Clara at binalingan muli ang kawalan. “Kasi ayaw kong mawala ka sa akin.”

Nagsuklay siya muli ng buhok. Isang beses. Dalawa. Apat. “Gusto ko ring maging magkaibigan tayo para mahalin mo ako ulit.”

“I have commitment issues,” diretsong sabi ni Clara. “Hindi ko maatim ang sarili ko na ibigay ang buhay ko sa ibang tao.”

“Hanggang ngayon?” tanong niya.

“Hanggang ngayon,” sagot nito

Harry closed his eyes. Gusto niyang umiyak. Fuck. Kung pu-pwede lang ngumawa ngayon mismo. Kung pwede lang magmaktol sa harap ni Clara. Kung kakayanin lang niyang lumuhod. Magmakaawa. Magsumamo.

“Hindi ko gusto ang buhay mo, Clara,” sabi ni Harry. “Gusto ko lang maging parte…na magkaroon ng puwang sa puso mo.”

“May puwang ka naman sa puso ko, Harry.”

“Bakit hindi tayo?” May bigat ang mga sinabi niya. “Bakit hindi tayo ngayon?”

Napakagat sa pang-ibabang labi nito si Clara bago sumagot. “Hindi kasi ganoon sa iniisip mo.”

Hindi na napigilan ni Harry ang haplusin ang pisngi ni Clara. He wanted to touch her. Feel her skin. Ngunit bago pa magtagal ang hawak niya sa pisngi nito, umiwas na ang dalaga.

Tumayo si Clara at nagpagpag ng damit.

Tangina talaga.

Pinatong ni Harry ang braso sa tuhod at muling humithit ng yosi. He stayed silent. Hithit. Relax. Buga.

“And I don’t like smokers.”

Natigil sa paghithit si Harry at tumingala para tingnan si Clara. Nakatingin lang ito sa kalangitan. Gustong humithit ni Harry kahit hindi nakatingin sa kanya si Clara. He looked at the stick. Mahaba pa ito. Marami pang usok ang pwede niyang mahithit.

But he couldn’t move.

“Hindi…ah…ganun?”

“Ayaw kong magaya ako sa magulang ko na nag-aaway araw-araw dahil sa yosi. Nagsisigawan sila Nanay at Tatay dahil lang sa chain smoker si Tatay. Tapos kapag itatanong naman si Nanay kung bakit pinakasalan niya—”

“Kasi mahal niya.”

Ngumisi si Clara. “Pwede. Pero sabi ni Nanay, hindi naman daw kasi chain smoker si Tatay noon.”

“Tanginang yosi ‘yan, nagiging issue pa.” Malalim ang paghithit ni Harry bago pinatay ang sindi ng wala pa sa kalahating stick. Binuga niya ang natitirang usok bago tumayo at tumingin kay Clara. “Titigil ako.”

Binaling ni Clara ang tingin kay Harry. “Gago ka ba?”

“H-ha?”

“Ikaw ‘yan, eh. Bakit ka titigil?”

“Kasi ayaw mo.”

“And so what?”

“Babaguhin ko ang sarili ko para sa’yo.”

Umiling si Clara. “Don’t change for me. Change for yourself.”

Natigilan si Harry. Sa lahat na lang ng oras, lagi siyang napapatigagal sa mga sinasabi ni Clara. Wala siyang maisip na comeback dito. And he liked it. He liked her. No…it’s not just like. It never really was.

“Mahal pa rin kita, Clara.”

Huminga nang malalim si Clara at mas piniling nitong tumingin kahit saan maliban sa kanya. “Hindi pwede ‘yan, Harry.” Kinuha nito ang telepono sa bulsa at tiningnan ang screen.

“Pwede ‘to kung aayusin la—”

“Balik na tayo sa loob?” pagputol ni Clara. “Aalis pa ak—” Pero hinawakan ni Harry ang braso nito at pinigilan. Hindi na lumingon ang dalaga nang magsalita. “Naging tayo noon, Harry. It was a great experience.”

Dumulas ang hawak ni Harry mula sa braso papuntang kamay ni Clara. Mahigpit niyang hinawakan ang malambot na kamay nito.

“Walang makakapagsabing hindi tayo ang hanggang sa huli.”

Lumingon si Clara at inalis ang pagkakahawak ni Harry sa kamay nito. Pagkatapos ay ngumiti.

“Ito na ang huli.”

Nagkatitigan sila. Lalapit pa sana si Harry kay Clara nang magbukas ang pintuan. Napalingon sila at nakita ang isang babaeng nakangiti na may bitbit na bata sa mga bisig nito. Kumawala sa pagkakabuhat ang bata at mabilis na tumakbo kay Harry. Walang nagawa si Harry kung hindi buhatin ito at halikan sa noo.

“Ang kulit kasi ni Claire, Hun. Gustong-gusto niyang sumama sa reunion,” sabi ng babae kay Harry. Tumingin ito kay Clara at ngumiti. “Uy, hi! I’m May. Kaibigan ka rin ni Harry?”

“I’m C,” pagpapakilala nito at hinawakan ang kamay ng babae. “Your daughter has a nice name.” Tumingin ito kay Harry, ngumiti at napailing.

“Harry’s idea,” natatawang sabi ni May.

Tumango-tango si Clara. Lumapit ito sa nakatitig na Harry. Hinaplos nito ang pisngi ng bata. “Claire,” natatawang sabi ni Clara. The kid stared at her. “Great name, Harry. Magiging Rapunzel siya paglaki niya.”

“Cl—”

“Ssshh. . .” nakangiti pa rin ito. “Anyway, aalis na ako. Sorry medyo nagmamadali lang, may flight pa kasi ako bukas.” Lumayo si Clara sa pamilya. “Bye, May.”

Kumaway din si May. Nagkatitigan muli si Harry at Clara. Bago pumasok sa loob at maingay na reunion ng tropahan, nagsalitang muli si Clara.

“It was nice talking to you again, Harry.”

He couldn’t say anything anymore.

“Bye.”

clara-default-cover

« Previous 1 2 3 4 5

Posted:

Issue:
Head First, Fearless

For the past eight years of writing, Rayne Mariano’s stories are of different genres, approach, and style. She aims to challenge herself by writing beyond her boundaries and exploring new things. When she’s not busy in school studying Multimedia Arts, Rayne is at home in Valenzuela doing things a normal girl would do: being a couch potato.

18 Responses to “Ex Talk”

  1. Vianne

    Ate Rayne did a nice job here (lagi naman hehe). Kahit 5 parts pa lang, makikita na yung mga issues na dapat binibigyan pansin besides love (health, family issues, im-gonna-change-myself-for-you lines) – and this is one of the things I love about her. Para kasi sakin, sa bawat story niya, may something kung saan di lang basta mapapa-“IKR” kaming readers, kundi makakaapekto ‘to samin tapos mapapareflect kami sa buhay namin (ANSAVEEE?!) I also like the feeling while reading it, na kahit may sense of humor na nasisingit ay lumalabas pa rin yung wholesomeness ng plot at maturity ng characters. Siguro may ilang sentence lang na di masyadong okay yung consistency ng language na ginamit pero all in all,maganda naman. Another story na dapat subaybayan. Keep it up Ate! HIhi <3

    Reply
  2. Rose Ann F.

    Ang galing at ang ganda nang pagkakasulat ni ate Rayne. Nagustuhan ko yung kwento. Ramdam ko bawat palitan ng salita ng mga characters. Sa umpisa nakakatuwa yung sagutan nila hanggang sa lumalim na ang kanilang paguusap. Tinamaan ako sa sinabi nung babae about sa dahilan niya kung bakit dineactivate niya yung facebook accnt niya.

    Nagulat din ako sa ending. Unexpected.

    Reply
  3. Jodi Marielle R. Santiago

    Good job ate Rayne! Nakagawa ka na naman ng isang magandang storya na makakapagparealize ng mga readers ❤❤❤ Another A-MUST-READ STORY!

    Reply
  4. Karla Mae Caculitan

    Ang galing talaga ni Ate Rayne! Kuhang-kuha niya ang panlasa ng reader!

    Reply
  5. Janine Dela Cruz

    Sa apat na istorya ito talaga ang pinaka nagustuhan ko napakaganda talaga

    Reply
  6. Jennie C.

    This story is ugh. Bagay na bagay ung kanta na ‘Sayang na Sayang’ by Aegis. Grabeee. ‘Yung akala ko magkakabalikan sila pero ung twist. Huhuhu. At first naguluhan pa ako sa ending pero nung binasa ko ulit napa-wow ako. Andami ring WOW dito-Words Of Wisdom. Hehehe

    Reply
  7. Micaella Bigtas

    light story for me, but very nice~~~~ I already smile reading the first few paragraphs. 🙂

    Reply
  8. Yue

    I really love all of Rayne’s stories. Like this one, nakakarelate talaga. Plus hindi katulad ng ibang romance story na patwetus lang. Rayne’s stories is always deep. Its not always the kilig…its about the characters background and how it affects their love story.. thumbs up!

    Reply
  9. Missmaple

    I love Rayne’s story. Napaka-creative ng pagkukwento. Hindi ko inaasahan ang ending. Thumbs up! <3

    Reply
  10. Bernadette Miralles Uy

    Title palang, catchy na siya. Macucurious ka `kung about saan `yung pag-uusapan `nung mag-EX.
    Short story pero hindi siya nakakabitin. Sa isang story na ito, napagsama-sama ang ilang genre. May nakakatawa, seryoso, nakakaiyak. Kakaiba talaga. Kapag talaga ‘Rayne Mariano/Pilosopotasya’ unique, eh. Nice start and nice ending.

    Reply
  11. Clariecel S. Marilla

    Grabe ang ganda nung story <3 <3 yung mga line na sinasabi ni Clara relate much 🙂

    Reply
  12. Maryjoy M. Bautista

    Grabe, Idol talaga kita ate Ulan! Ang ganda. Tapos yung plot twist pasabog. Umaasa talaga ako na magkakabalikan sila at napatunayan kong masakit pala talagang umasa. Hahaha. Anyway, all in all, ang ganda talaga. Yung mga linyahan na ayos na ayos talaga. Thumbs up ate Ulan. Sana may part two. Hahaha.

    P.S. Pakiramdam ko magiging Future Clara ako dahil sa binabalak kong pag-withdraw sa online world. Hahaha.

    Reply
  13. .ces.

    Story is great. Plot twist, swak na swak. Way of writing, maayos. Pero may isang scenario na naguluhan ako kung sino yung nagsabi nung isang dialogue, Harry tas biglang, “ay si Clara pala nagsabi.” Smooth and light yung kwento pero the way ng pagkakakwento sa mga readers ng nangyayari ay ayos, parang nakikichismis ka lang tapos may dalawang naguusap. Keep it up. You are so close to your dream. Isang sundot ng kulangot sa ilong na lang.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *