Clara-Covers-Ish01

← Click cover to see issue
Clara Romance

Ex Talk

Namumula ang mukha ni Clara. But in a good way dahil mas naging cute ang hitsura nito. Pansin niyang medyo maga ang mata at ilong ng dalaga. But she was still beautiful with her hair disheveled. Walang magawa si Harry kung hindi ang matawa at isuot ang shirt niya. Ang lamig kasi talaga.

“Ano’ng meron sa number ni Paco?” tanong ng dalaga. “Si Mara lang yata ang nakakaalam ng number ko.”

Tumango si Harry. “May gusto sa’yo si Paco.”

Luhaang napangisi si Clara. Mukha nang nahimasmasan ang dalaga. Niyakap nito ang mga binti at napatitig sa harap nito. “Sino namang nagsabi sa’yo?”

“Si Paco mismo.”

“Talaga?”

“Noong college pa.”

“Ah.”

“Anong ‘ah’?”

“Ah.”

Sinuklay ni Harry ang buhok kaya nagulo ito. Tinanggal na lang niya ang pagkakatali at hinayaang lumugay hanggang balikat ang medyo wavy na buhok. “Anong ‘ah’? ‘Yan lang ang reaksyon mo?”

“Ah. Oo. Sinabi na niya sa’kin.”

Nanlaki ang mata ni Harry. “Talaga? Kailan?”

“Kanina.”

“Wala ka man lang reaksyon? Ano’ng sabi mo?”

Nagkibit-balikat ito. “Tinanong ko sa kanya kung bakit siya nagda-drugs. Dapat itigil na niya,” natatawa nitong sabi. “I mean, ‘di ko gets kung ano’ng meron sa’kin at nagustuhan niya ako.”

“Maganda ka.” Walang kakurap-kurap na sambit ni Harry.

Tumingin si Clara sa kanya at napangiwi. “Parang hindi naman.”

“Mabait.”

Lumawak ang ngiti ni Clara. “Well…”

“Matalino,” ani Harry.

“Hindi kaya.”

“Tamad.”

Kumunot ang noo ni Clara. Inilapat nito ang hita sa sahig at sumandal sa railing. “Kagusto-gusto ba ‘yon?”

“May sense kausap,” pagpapatuloy ni Harry.

Si Clara naman ang sumuklay sa buhok. “Yung totoo?”

Seryoso ang mukha ni Harry. “Oo nga.”

“Oh?”

“Yeah.”

“Wow. Grabe naman,” sabi ni Clara.

“Oo nga,” giit ng binata. “Nakakainis na nga ‘yang pagiging heartthrob mo sa tropa. Lahat na lang, may gusto sa’yo.”

“Haba kasi ng buhok ko.” Natawa si Clara. “Nagpapaka-Rapunzel ako, ‘teh. Collect and collect, then select.”

“Sige. Sabi mo, eh.” Marahan ang pagtango ni Harry sa sinabi ni Clara. Tinulak nito si Harry sa pang-aasar nito. “Paano pala siya sa’yo. . .uhm. . .”

“Nagtapat?” pagpapatuloy nito. Tumango si Harry. “Nung nag-CR ako kanina, nagkasabay kami sa pagpunta. Pinauna niya ako. Medyo napapansin kong lasing na siya n’on.”

“Tapos?”

Naninikip ang dibdib ni Harry sa mga sumunod na sinabi ni Clara.

“Pagpasok ko sa CR, bigla niya akong niyakap,” pagkukwento nito. Natawa ito sandali bago tinuloy ang sasabihin, “muntik na nga akong maihi sa gulat!”

Hindi tumawa si Harry at nanatili ang pagtitig kay Clara. “Ano’ng sabi niya?”

Lumunok si Clara. “Na gusto. . . uhm, niya ako. Tangina raw. Matagal na. Five years.”

“Ano naman ang sagot mo?”

Ngumiti si Clara. “May gusto sa kanya si Mara.”

“Si Mara?” tanong ni Harry. “May gusto sa kanya si Mara? Hindi ba tropa lang yung dalawang ‘yon?”

Nagkibit-balikat ito. “Nakikita kong gusto siya ni Mara.”

“Tinanong mo?”

“Hindi. Pero nakikita ko kasi,” sabi ni Clara. “Basta.”

“Paano kung wala?” tanong ni Harry. “Kung walang gusto sa kanya si Mara?”

“Imposible.”

“Kung wala nga?” giit niya.

Sinandal ni Clara ang ulo sa railing at pumikit. Malalim ang bawat paghinga nito. He was waiting for an answer. Pero sana ‘wag na lang sagutin ni Clara ang tanong. Napapraning na siya sa kaiisip. But what she said made his heart skip a beat.

“May commitment issues ako.”

Kumunot ang noo niya. “Talaga? Paano?”

“Paano?” Nagkamot ng noo si Clara. “Paano nga ba? Basta, ayaw kong matali. I want freedom. I want to spread my wings and fly away!” natatawa nitong sabi. “Kaya siguro umalis din ako sa Facebook kasi natatali ako sa newsfeed ko. Sa inyo. Sa mga balita sa buhay ninyo. Parang…dapat may buhay din ako.”

Gusto magyosi ni Harry. Nangangati siyang kumuha ng stick at magsindi dahil ganoon na lang ang stress na nararamdaman niya. Pero hindi niya magawang magyosi sa harap ni Clara. Not now…lalo na’t narinig niya ang nangyari sa Tatay nito.

Kaya napatanong siya ng isang bagay na hindi niya akalaing sasabihin niya.

“Kaya ba nagkaganito tayo?”

Tumingin sa kanya si Clara. Nagkatitigan sila. Walang umiwas ng tingin.

“Harry naman.”

Kung siya lang, ayaw na ni Harry magtanong. Natatakot siya sa maaaring isagot ni Clara. Pero hindi niya magawa dahil gusto niyang malaman ang isasagot ng dalaga.

“Ano ba’ng nangyari sa atin, Clara?”

« Previous 1 2 3 4 5Next »

Posted:

Issue:
Head First, Fearless
For the past eight years of writing, Rayne Mariano's stories are of different genres, approach, and style. She aims to challenge herself by writing beyond her boundaries and exploring new things. When she’s not busy in school studying Multimedia Arts, Rayne is at home in Valenzuela doing things a normal girl would do: being a couch potato.

18 Responses to “Ex Talk”

  1. Vianne

    Ate Rayne did a nice job here (lagi naman hehe). Kahit 5 parts pa lang, makikita na yung mga issues na dapat binibigyan pansin besides love (health, family issues, im-gonna-change-myself-for-you lines) – and this is one of the things I love about her. Para kasi sakin, sa bawat story niya, may something kung saan di lang basta mapapa-“IKR” kaming readers, kundi makakaapekto ‘to samin tapos mapapareflect kami sa buhay namin (ANSAVEEE?!) I also like the feeling while reading it, na kahit may sense of humor na nasisingit ay lumalabas pa rin yung wholesomeness ng plot at maturity ng characters. Siguro may ilang sentence lang na di masyadong okay yung consistency ng language na ginamit pero all in all,maganda naman. Another story na dapat subaybayan. Keep it up Ate! HIhi <3

    Reply
  2. Rose Ann F.

    Ang galing at ang ganda nang pagkakasulat ni ate Rayne. Nagustuhan ko yung kwento. Ramdam ko bawat palitan ng salita ng mga characters. Sa umpisa nakakatuwa yung sagutan nila hanggang sa lumalim na ang kanilang paguusap. Tinamaan ako sa sinabi nung babae about sa dahilan niya kung bakit dineactivate niya yung facebook accnt niya.

    Nagulat din ako sa ending. Unexpected.

    Reply
  3. Jodi Marielle R. Santiago

    Good job ate Rayne! Nakagawa ka na naman ng isang magandang storya na makakapagparealize ng mga readers ❤❤❤ Another A-MUST-READ STORY!

    Reply
  4. Karla Mae Caculitan

    Ang galing talaga ni Ate Rayne! Kuhang-kuha niya ang panlasa ng reader!

    Reply
  5. Janine Dela Cruz

    Sa apat na istorya ito talaga ang pinaka nagustuhan ko napakaganda talaga

    Reply
  6. Jennie C.

    This story is ugh. Bagay na bagay ung kanta na ‘Sayang na Sayang’ by Aegis. Grabeee. ‘Yung akala ko magkakabalikan sila pero ung twist. Huhuhu. At first naguluhan pa ako sa ending pero nung binasa ko ulit napa-wow ako. Andami ring WOW dito-Words Of Wisdom. Hehehe

    Reply
  7. Micaella Bigtas

    light story for me, but very nice~~~~ I already smile reading the first few paragraphs. 🙂

    Reply
  8. Yue

    I really love all of Rayne’s stories. Like this one, nakakarelate talaga. Plus hindi katulad ng ibang romance story na patwetus lang. Rayne’s stories is always deep. Its not always the kilig…its about the characters background and how it affects their love story.. thumbs up!

    Reply
  9. Missmaple

    I love Rayne’s story. Napaka-creative ng pagkukwento. Hindi ko inaasahan ang ending. Thumbs up! <3

    Reply
  10. Bernadette Miralles Uy

    Title palang, catchy na siya. Macucurious ka `kung about saan `yung pag-uusapan `nung mag-EX.
    Short story pero hindi siya nakakabitin. Sa isang story na ito, napagsama-sama ang ilang genre. May nakakatawa, seryoso, nakakaiyak. Kakaiba talaga. Kapag talaga ‘Rayne Mariano/Pilosopotasya’ unique, eh. Nice start and nice ending.

    Reply
  11. Clariecel S. Marilla

    Grabe ang ganda nung story <3 <3 yung mga line na sinasabi ni Clara relate much 🙂

    Reply
  12. Maryjoy M. Bautista

    Grabe, Idol talaga kita ate Ulan! Ang ganda. Tapos yung plot twist pasabog. Umaasa talaga ako na magkakabalikan sila at napatunayan kong masakit pala talagang umasa. Hahaha. Anyway, all in all, ang ganda talaga. Yung mga linyahan na ayos na ayos talaga. Thumbs up ate Ulan. Sana may part two. Hahaha.

    P.S. Pakiramdam ko magiging Future Clara ako dahil sa binabalak kong pag-withdraw sa online world. Hahaha.

    Reply
  13. .ces.

    Story is great. Plot twist, swak na swak. Way of writing, maayos. Pero may isang scenario na naguluhan ako kung sino yung nagsabi nung isang dialogue, Harry tas biglang, “ay si Clara pala nagsabi.” Smooth and light yung kwento pero the way ng pagkakakwento sa mga readers ng nangyayari ay ayos, parang nakikichismis ka lang tapos may dalawang naguusap. Keep it up. You are so close to your dream. Isang sundot ng kulangot sa ilong na lang.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *