← Click cover to see issue
Clara Romance

Ex Talk

Napagod na si Harry sa kasusuklay sa buhok kaya itinali na lang niya ‘yon. Lumaylay ang ilang hibla sa kanyang balikat. “Napaka-pa-VIP naman.”

Tumawa si Clara kaya’t nakitawa rin si Harry. “Atsaka ‘pag nagpatuloy pa ako sa Facebook, mapipilitan akong matuwa sa achievements ng iba. Nakaka-bitter!”

Lalong lumakas ang tawanan ng dalawa. Lumunok sandali si Harry (kung kaba man ‘yon, hindi siya sigurado) at nagtanong. “Eh ‘di, wala kang balita sa amin?”

“Yup,” sagot ni Clara. “Ngayon ko lang nalaman ang nangyari sa mga buhay niyo. “Actually, nakakagulat nga na maraming nangyari in a span of three years simula noong lumayo ako.”

“Kaya wala rin kaming alam tungkol sa’yo,” ani Harry. “Ang daming nangyari sa buhay mo na tinago mo lang sa amin.”

“I didn’t hide it. Wala lang akong nakausap na may link sa tropa.” May pait sa ngiti ni Clara. “And with or without Facebook, hindi ko rin ipo-post ang pagkamatay ni Tatay. I mean, ano’ng gagawin ko? Should I post a selfie of me and Tatay’s body with a quote? Or a heart-melting message na hindi naman din mababasa ni Tatay? Tapos ita-tag ko siya, gan’on?”

“Hindi naman—” Natigilan si Harry sa pagsasalita nang tinalikuran siya ni Clara. Nakita niya ang pagtulo ng luha nito. Gusto niyang hawakan si Clara pero natakot na siya na baka tanggalin nito muli ang kanyang kamay. Nanatili siyang nakatayo. Naghihintay. Huminga nang malalim si Clara ngunit hindi pa rin humaharap sa kanya.

“I don’t need online sympathy,” hikbi nito. “I don’t care about the ‘I’ll pray for you and your family’ comments. Hindi naman mababalik ng libo-libong likes lahat, eh,” dagdag nito. “I don’t need any of that bullshit.”

Nagulat na lang si Harry pero hindi niya ininda ang biglaang pagtulak sa kanya ni Clara. Basta hinarap niya ito sa kanya at niyakap nang higpit. Isang mahigpit na yakap na para bang ayaw na niyang bitiwan ito. She didn’t move for a while but relaxed in his arms after a few moments. Inihilig ni Clara ang ulo nito sa balikat ni Harry—isang bagay na ninais niyang mangyari.

Pero hindi siya niyakap ni Clara. Nanatiling nakababa ang mga braso nito.

“Wala akong karapatan pero naiinis ako sa’yo,” pabulong ni Harry sa bunbunan nito. “Naiinis ako kasi hinayaan mong ikaw lang ang lumaban. Badtrip lang kasi hindi mo man lang ako naisip.” Humigpit pa lalo ang yakap niya. “Nakakainis kasi parang hindi mo kami kailangan. Na hindi mo ako kailangan.”

“I don’t need you,” pabulong ni Clara. “I don’t need anyone.”

Napangisi si Harry sa kabila ng matalim na salita ng dalaga. “I need you to need me.”

Muli silang natahimik, ngunit maya-maya lang ay napahagulgol si Clara sa dibdib ni Harry. Hinayaan lang ito ng binata. Wala na siyang pakialam kahit mamahalin ang shirt na suot niya. Hinayaan lang ni Harry maging panyo ang damit para kay Clara.

Because he wanted her to need him.

“N-Nag-away kasi kami,” hikbi ni Clara . Tears overflowed from her eyes. “I mean, lagi naman kaming nag-aaway. Lagi siyang sumisigaw. Lagi siyang nakakatakot. Pero kasi, ewan ko. Ang gulo rin. Ang gulo talaga.”

“Clara…”

“Hindi ako nakapag-sorry sa kanya. Huli na, eh. Kahit naman anong sigaw ko ng sorry…na mahal ko siya…wala. Hindi na niya maririnig. Nakakagago kasi. Alam ko namang bomba si Tatay. Yosi nang yosi, hindi sumusunod sa doktor. Hinahayaan lang ang kalusugan niya. Tapos lagi siyang nagagalit sa amin. Sobrang nakakatakot yung sigaw niya. Kasalanan ko namang hindi ako naging mabait sa mga huling araw niya. Alam ko namang malala na ang sakit niya. Pero alam mo…”

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Clara. Hinayaan lang ni Harry.

“A-Alam mo yun….ayaw kong maging mabait sa kanya. Kasi…hindi ako ‘yon. Hindi siya ‘yon. Hindi kami ‘yon kapag hindi kami nagsisigawan. Kapag kasi naging normal lahat parang niyayakap ko na rin ang pagiging bomba niya. At ayaw ko, Harry. Shit, ayaw kong yakapin yung time limit niya kasi hindi pa naman dapat, eh!”

Gamit ang dalawang kamay, tinakpan ni Clara ang mukha. Harry’s embrace loosened. “Hindi pa niya ako nalalakad sa aisle. He should spoil his grandchildren. Dapat…dapat…hindi pa niya oras.”

Kumalas si Clara sa yakap ni Harry at naupo sa sahig. Nakatakip pa rin sa mga palad ang mukha. Pumikit si Harry at huminga nang malalim bago hinubad ang shirt na suot. Binato niya ang shirt sa ulo ni Clara.

“I don’t need you,” pabulong ni Clara. “I don’t need anyone.”

Napangisi si Harry sa kabila ng matalim na salita ng dalaga. “I need you to need me.”

Nanatiling nakatayo si Harry. Ramdam niya ang lamig na nanuot sa katawan. Pero okay lang ‘yon, basta para kay Clara. Isa sa mga ugali ng dalaga ang pagtago sa nararamdaman, but tonight, it was overflowing. Her strength just reached its expiration. And she needed someone.

Harry wanted to be that someone she needed. Again.

Nanatili siyang tahimik habang pinapakinggan ang bawat paghikbi ng dalaga. Sobrang lakas…hihina. Lalakas. Hihina. Mabagal na paghinga. Tumingala siya sa langit at tinitigan ang kawalan. Inisip niya ang dahilan kung bakit walang bituwin.

Napansin niya ang bilog na bilog na buwan. Isang liwanag sa kadiliman ng langit.

Nagbukas ang pintuan; lalong narinig ang ingay sa loob. Lumabas si Paco. “—hanapin ko lang si Clara—”

Nagkatitigan ang dalawang binata. Kumunot ang noo ni Paco sa hubad na taas ni Harry. Napatingin ito kay Clara na natatalukbungan pa rin ng t-shirt ni Harry. Hindi ito gumagalaw.

“Si Clara ba ‘yan—”

Harry nodded and shushed Paco. Lalapitan sana ng kaibigan ang dalaga, pero pinigilan ito ni Harry at umiling. Lalong kumunot ang noo ni Paco. He mouthed ‘bakit.’ Kinuha ni Harry ang telepono sa bulsa at itinuro iyon. He mouthed ‘text.’ Ilang segundo pa ang lumipas bago marahang tumango si Paco at sinarado ang pintuan.

Hindi niya tinext si Paco.

At ‘yon ang dahilan kung bakit rinig ang Angel with a Shotgun na kanta ng The Cab. Ringtone iyon ng telepono ni Harry. Tumatawag si Paco. Hindi niya iyon sinagot; pinatay pa niya ang telepono.

“May number ka ba ni Paco?” tanong niya kay Clara sabay upo sa tabi nito. “O may number mo ba siya? Tama ba? Naguluhan ako sa sentence ko,” natatawang sabi ni Harry.

Binato sa kanya ni Clara ang shirt niya. “Ang baho ng shirt mo, amoy yosi at beer,” reklamo nito.

« Previous 1 2 3 4 5Next »

Posted:

Issue:
Head First, Fearless

For the past eight years of writing, Rayne Mariano’s stories are of different genres, approach, and style. She aims to challenge herself by writing beyond her boundaries and exploring new things. When she’s not busy in school studying Multimedia Arts, Rayne is at home in Valenzuela doing things a normal girl would do: being a couch potato.

18 Responses to “Ex Talk”

  1. Vianne

    Ate Rayne did a nice job here (lagi naman hehe). Kahit 5 parts pa lang, makikita na yung mga issues na dapat binibigyan pansin besides love (health, family issues, im-gonna-change-myself-for-you lines) – and this is one of the things I love about her. Para kasi sakin, sa bawat story niya, may something kung saan di lang basta mapapa-“IKR” kaming readers, kundi makakaapekto ‘to samin tapos mapapareflect kami sa buhay namin (ANSAVEEE?!) I also like the feeling while reading it, na kahit may sense of humor na nasisingit ay lumalabas pa rin yung wholesomeness ng plot at maturity ng characters. Siguro may ilang sentence lang na di masyadong okay yung consistency ng language na ginamit pero all in all,maganda naman. Another story na dapat subaybayan. Keep it up Ate! HIhi <3

    Reply
  2. Rose Ann F.

    Ang galing at ang ganda nang pagkakasulat ni ate Rayne. Nagustuhan ko yung kwento. Ramdam ko bawat palitan ng salita ng mga characters. Sa umpisa nakakatuwa yung sagutan nila hanggang sa lumalim na ang kanilang paguusap. Tinamaan ako sa sinabi nung babae about sa dahilan niya kung bakit dineactivate niya yung facebook accnt niya.

    Nagulat din ako sa ending. Unexpected.

    Reply
  3. Jodi Marielle R. Santiago

    Good job ate Rayne! Nakagawa ka na naman ng isang magandang storya na makakapagparealize ng mga readers ❤❤❤ Another A-MUST-READ STORY!

    Reply
  4. Karla Mae Caculitan

    Ang galing talaga ni Ate Rayne! Kuhang-kuha niya ang panlasa ng reader!

    Reply
  5. Janine Dela Cruz

    Sa apat na istorya ito talaga ang pinaka nagustuhan ko napakaganda talaga

    Reply
  6. Jennie C.

    This story is ugh. Bagay na bagay ung kanta na ‘Sayang na Sayang’ by Aegis. Grabeee. ‘Yung akala ko magkakabalikan sila pero ung twist. Huhuhu. At first naguluhan pa ako sa ending pero nung binasa ko ulit napa-wow ako. Andami ring WOW dito-Words Of Wisdom. Hehehe

    Reply
  7. Micaella Bigtas

    light story for me, but very nice~~~~ I already smile reading the first few paragraphs. 🙂

    Reply
  8. Yue

    I really love all of Rayne’s stories. Like this one, nakakarelate talaga. Plus hindi katulad ng ibang romance story na patwetus lang. Rayne’s stories is always deep. Its not always the kilig…its about the characters background and how it affects their love story.. thumbs up!

    Reply
  9. Missmaple

    I love Rayne’s story. Napaka-creative ng pagkukwento. Hindi ko inaasahan ang ending. Thumbs up! <3

    Reply
  10. Bernadette Miralles Uy

    Title palang, catchy na siya. Macucurious ka `kung about saan `yung pag-uusapan `nung mag-EX.
    Short story pero hindi siya nakakabitin. Sa isang story na ito, napagsama-sama ang ilang genre. May nakakatawa, seryoso, nakakaiyak. Kakaiba talaga. Kapag talaga ‘Rayne Mariano/Pilosopotasya’ unique, eh. Nice start and nice ending.

    Reply
  11. Clariecel S. Marilla

    Grabe ang ganda nung story <3 <3 yung mga line na sinasabi ni Clara relate much 🙂

    Reply
  12. Maryjoy M. Bautista

    Grabe, Idol talaga kita ate Ulan! Ang ganda. Tapos yung plot twist pasabog. Umaasa talaga ako na magkakabalikan sila at napatunayan kong masakit pala talagang umasa. Hahaha. Anyway, all in all, ang ganda talaga. Yung mga linyahan na ayos na ayos talaga. Thumbs up ate Ulan. Sana may part two. Hahaha.

    P.S. Pakiramdam ko magiging Future Clara ako dahil sa binabalak kong pag-withdraw sa online world. Hahaha.

    Reply
  13. .ces.

    Story is great. Plot twist, swak na swak. Way of writing, maayos. Pero may isang scenario na naguluhan ako kung sino yung nagsabi nung isang dialogue, Harry tas biglang, “ay si Clara pala nagsabi.” Smooth and light yung kwento pero the way ng pagkakakwento sa mga readers ng nangyayari ay ayos, parang nakikichismis ka lang tapos may dalawang naguusap. Keep it up. You are so close to your dream. Isang sundot ng kulangot sa ilong na lang.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *