← Click cover to see issue
Clara Romance

Ex Talk

“Alam mo, nagtataka talaga ako,” biglang sabi ni Clara.

Napangisi si Harry. Mabuti naman at hindi na niya kailangan masaktan pa para umusad ang usapan.

Ibinaling niya ang tingin kay Clara. Nakatingala ang dalaga sa kalangitan.

“Lagi ninyong sinasabi na hindi pa rin ako nagbabago,” pagpapatuloy nito. Tumingin siya kay Harry. “I mean, does a person really need an obvious change? Lagi niyong binabati na hindi pa rin ako nagbabago. Dapat bang magbago ako?”

Napatungga si Harry sa tanong. Nakailang lagok siya ng inumin bago nagsalita. “Bakit mo naman nasabi ‘yan?”

“Ewan,” sagot ni Clara. Tumalikod ito at sumandal sa railing. “Para magka-topic.”

Mabuti na lang talaga hindi tumungga si Harry—dahil siguradong mabubuga niya ito sa pagtawa. Natawa rin si Clara. Umiling si Harry at sinuklay muli ang buhok gamit ang mga daliri. “Ang lalim naman ng topic starter mo.”

“Ang awkward kasi!” Clara laughed again. Nag-unat ito, inaabot ang kalangitan. Umiwas ng tingin si Harry nang maaninag niya ang tiyan ni Clara. “Bakit ang awkward natin?”

Muling natahimik ang dalawa. Naubos na ni Harry ang iniinom na beer kaya napagdiskitihan naman niya ang yosi. Nagsindi siya ng isang stick.

“You still smoke?”

Bumuga muna ng usok si Harry bago tumango. “Ikaw, nagyoyosi?”

Umirap si Clara. “C’mon, ako pa?”

Nagsimulang umiling si Harry. “Hindi talaga badass.”

“Sorry, hindi niyo ako kasing badass ni Tatay.”

Pagkabanggit ni Clara ng “tatay”, agad naka-isip si Harry ng topic. Naaalala niya ang unang pagkakataon na nakilala niya ang tatay ni Clara. Matangkad ito at malaki ang pangangatawan, nakakatakot ang tingin pero kapag nakausap, palatawa pala…tulad din ni Clara.

“Tatay mo na yata ang pinaka-badass na taong nakilala ko,” sabi ni Harry. “Kumusta na pala siya? Philip pa rin ba ang yosi niya?”

“Philip pa rin hanggang sa nawala siya,” sagot ni Clara.

Natigil sa paghithit ng yosi si Harry. Unti-unting lumabas ang usok mula sa kanyang bibig. Napatitig sa kanya si Clara pero ilang sandali pa ang nagdaan bago siya nakapagsalita.

“Nawala?”

Tumango si Clara.

“Paanong nawala? Nasaan?”

“Malay ko kung nasaan.” Ngumisi ito at tumingin sa kalangitan. “Sana nandoon, binabantayan kami.”

“Fuck.” Nadiinan ni Harry ang pagkakahawak sa stick ng yosi. Kamuntikan na niyang masira ito kung hindi lang niya naagapan ang sarili. Humithit siya muli nang malalim. “Sorry, hindi ko alam.”

“Bakit ka nagso-sorry?” tanong ni Clara. Nagkatinginan sila. “Ikaw ba ang pumatay sa kanya?”

Natigilan siya sa tanong. Hindi siya nakapagsalita dahil nakita niya ang pagkintab ng mga mata nito. Nainis siya. Nabadtrip. Nalungkot. Bakit hindi niya alam? Bakit ngayon lang niya nalaman? Pero wala siyang karapatan…hindi niya kailangan malaman.

“Sorry.” Napakagat ng labi si Harry. “Sorry—agh—so—” sinuklay niya ang buhok “—hindi ko alam bakit ako sorry nang sorry!”

Tumawa si Clara at umiling. “Grabe namang reaksyon ‘yan.”

Natigilan siya sa tanong. Hindi siya nakapagsalita dahil nakita niya ang pagkintab ng mga mata nito. Nainis siya. Nabadtrip. Nalungkot. Bakit hindi niya alam? Bakit ngayon lang niya nalaman? Pero wala siyang karapatan…hindi niya kailangan malaman.

Nagkamot ng batok si Harry. Humithit pa siya sa hawak na yosi bago ibinaba sa sahig ang upos at inapakan.

“Hindi ko kasi alam ang sasabihin.”

“Okay lang naman kahit wala kang sabihin.”

Malalim ang paghinga ni Harry. Unti-unti niyang inabot ang balikat ni Clara. Kinabahan siya sa paglapat ng palad sa balat nito pero mas higit ang kagustuhan niyang maramdaman ni Clara na nandito lang siya.

Kahit wala siya noong mga oras na kinailangan nito ng kaibigan.

“A-Anong dahilan?” tanong ni Harry.

“Lung cancer. Stage four. Mabilisan lang din, parang isang iglap lang,” tuloy-tuloy na sabi ni Clara. Huminga ito nang malalim. Nakatingala itong pumikit. “Actually, hindi ko na rin masyadong maalala yung details. Ang bilis talaga.”

“Kailan pa?”

“This year lang.”

Humigpit ang hawak ni Harry sa balikat ni Clara. Gusto niyang yakapin ito nang mahigpit. He wanted to let her know he’s here. That he’s here now. But he couldn’t. Gusto niya, pero hindi pwede. Nakakaloko.

Dumilat si Clara at ibinaling ang tingin kay Harry. “Pero okay lang din kasi nalakad niya sa aisle si Yna,” patuloy nito. “Pero nung si Ate Jay na, naka-wheelchair na siya. Tinutulak ko.” Kinagat nito ang pang-ibabang labi saka ngumisi. “Take note, naka-gown pa ako nung tinutulak ko siya. Pero okay lang.”

“Bakit. . .”

“Bakit? Malamang kasal `yun kaya naka-gown ak—”

“. . .hindi ko alam ‘yan?” tanong ni Harry. “Kinasal na pala ang mga kapatid mo?”

“This year si Ate. Last year si Yna.”

Humigpit lalo ang hawak ni Harry sa balikat ni Clara. “Seryoso?”

“Oo nga.”

“Bakit hindi ko alam?”

“Kasi hindi ko naman pinapaalam.”

“Bakit?”

Hindi malaman ni Harry ang nararamdaman. Naghahalo-halo kasi. Isa lang ang nasisiguro niya: inis. Pati sakit. Isama na rin ang lungkot. He felt betrayed. . .or something. Betrayed? The fuck. Anong betrayed ang pinag-iisip niya?

“Hindi ko naman kwento ‘yon para ipaalam,” sagot nito. Tinanggal ni Clara ang pagkakahawak ni Harry sa balikat nito at ipinatong ang mga braso sa railing, saka inilapat ang ulo doon. “’Tsaka wala na akong Facebook kaya hindi ako na-tag nina Yna sa pictures.”

Hinarap ni Harry si Clara. “Bakit ka ba kasi nag-deactivate ng Facebook? Nahirapan ka ring i-contact nina Mara.”

Ngumisi si Clara. “Sinasadya ko talagang mahirapan ang pag-contact sa akin.”

“Bakit?”

Clara looked at Harry, head still rested on her arms. “Para masaya.”

Sumuklay muli si Harry sa buhok. “Anong masaya do’n?”

Tumayo nang maayos si Clara. “Nararamdaman kong importante pa rin ako sa inyo. Kaya hinahanap niyo ako. Kasi na-realize ko lang, simula nung nagka-Facebook, ang dali-dali na natin ma-contact ang isa’t-isa. Parang…ang bilis. Ang instant masyado. Kaya nag-deactivate ako. Para kapag gusto akong makausap ng mga tao, hindi lang ako isang chat. Kailangan may effort. Kailangan puntahan ako sa bahay. O sa work. Or malaman ang number ko. Dapat makikipag-connect talaga sa akin physically at hindi lang online. Actually nung nag-deactivate ako, tumahimik ang mundo ko. Less stress talaga.”

« Previous 1 2 3 4 5Next »

Posted:

Issue:
Head First, Fearless

For the past eight years of writing, Rayne Mariano’s stories are of different genres, approach, and style. She aims to challenge herself by writing beyond her boundaries and exploring new things. When she’s not busy in school studying Multimedia Arts, Rayne is at home in Valenzuela doing things a normal girl would do: being a couch potato.

18 Responses to “Ex Talk”

  1. Vianne

    Ate Rayne did a nice job here (lagi naman hehe). Kahit 5 parts pa lang, makikita na yung mga issues na dapat binibigyan pansin besides love (health, family issues, im-gonna-change-myself-for-you lines) – and this is one of the things I love about her. Para kasi sakin, sa bawat story niya, may something kung saan di lang basta mapapa-“IKR” kaming readers, kundi makakaapekto ‘to samin tapos mapapareflect kami sa buhay namin (ANSAVEEE?!) I also like the feeling while reading it, na kahit may sense of humor na nasisingit ay lumalabas pa rin yung wholesomeness ng plot at maturity ng characters. Siguro may ilang sentence lang na di masyadong okay yung consistency ng language na ginamit pero all in all,maganda naman. Another story na dapat subaybayan. Keep it up Ate! HIhi <3

    Reply
  2. Rose Ann F.

    Ang galing at ang ganda nang pagkakasulat ni ate Rayne. Nagustuhan ko yung kwento. Ramdam ko bawat palitan ng salita ng mga characters. Sa umpisa nakakatuwa yung sagutan nila hanggang sa lumalim na ang kanilang paguusap. Tinamaan ako sa sinabi nung babae about sa dahilan niya kung bakit dineactivate niya yung facebook accnt niya.

    Nagulat din ako sa ending. Unexpected.

    Reply
  3. Jodi Marielle R. Santiago

    Good job ate Rayne! Nakagawa ka na naman ng isang magandang storya na makakapagparealize ng mga readers ❤❤❤ Another A-MUST-READ STORY!

    Reply
  4. Karla Mae Caculitan

    Ang galing talaga ni Ate Rayne! Kuhang-kuha niya ang panlasa ng reader!

    Reply
  5. Janine Dela Cruz

    Sa apat na istorya ito talaga ang pinaka nagustuhan ko napakaganda talaga

    Reply
  6. Jennie C.

    This story is ugh. Bagay na bagay ung kanta na ‘Sayang na Sayang’ by Aegis. Grabeee. ‘Yung akala ko magkakabalikan sila pero ung twist. Huhuhu. At first naguluhan pa ako sa ending pero nung binasa ko ulit napa-wow ako. Andami ring WOW dito-Words Of Wisdom. Hehehe

    Reply
  7. Micaella Bigtas

    light story for me, but very nice~~~~ I already smile reading the first few paragraphs. 🙂

    Reply
  8. Yue

    I really love all of Rayne’s stories. Like this one, nakakarelate talaga. Plus hindi katulad ng ibang romance story na patwetus lang. Rayne’s stories is always deep. Its not always the kilig…its about the characters background and how it affects their love story.. thumbs up!

    Reply
  9. Missmaple

    I love Rayne’s story. Napaka-creative ng pagkukwento. Hindi ko inaasahan ang ending. Thumbs up! <3

    Reply
  10. Bernadette Miralles Uy

    Title palang, catchy na siya. Macucurious ka `kung about saan `yung pag-uusapan `nung mag-EX.
    Short story pero hindi siya nakakabitin. Sa isang story na ito, napagsama-sama ang ilang genre. May nakakatawa, seryoso, nakakaiyak. Kakaiba talaga. Kapag talaga ‘Rayne Mariano/Pilosopotasya’ unique, eh. Nice start and nice ending.

    Reply
  11. Clariecel S. Marilla

    Grabe ang ganda nung story <3 <3 yung mga line na sinasabi ni Clara relate much 🙂

    Reply
  12. Maryjoy M. Bautista

    Grabe, Idol talaga kita ate Ulan! Ang ganda. Tapos yung plot twist pasabog. Umaasa talaga ako na magkakabalikan sila at napatunayan kong masakit pala talagang umasa. Hahaha. Anyway, all in all, ang ganda talaga. Yung mga linyahan na ayos na ayos talaga. Thumbs up ate Ulan. Sana may part two. Hahaha.

    P.S. Pakiramdam ko magiging Future Clara ako dahil sa binabalak kong pag-withdraw sa online world. Hahaha.

    Reply
  13. .ces.

    Story is great. Plot twist, swak na swak. Way of writing, maayos. Pero may isang scenario na naguluhan ako kung sino yung nagsabi nung isang dialogue, Harry tas biglang, “ay si Clara pala nagsabi.” Smooth and light yung kwento pero the way ng pagkakakwento sa mga readers ng nangyayari ay ayos, parang nakikichismis ka lang tapos may dalawang naguusap. Keep it up. You are so close to your dream. Isang sundot ng kulangot sa ilong na lang.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *