Clara-Covers-Ish01

← Click cover to see issue
Clara Romance

Ex Talk

He shouldn’t have followed her to the balcony. May oras pa siya para bumalik sa loob at makisaya sa party ng barkada, pero mas pinili niyang manatili sa kinatatayuan. Hawak ang isang bote ng beer, nilapitan niya ang dalaga.

“Clara.”

Nostalgia. Saying her name—hearing the name from his lips felt new, yet very familiar. Pangalan na matagal niyang kinalimutan pero nang titigan niya ang likod nito, animo’y nagbalik ang lahat ng mga alaala nilang magkasama. Imposible talagang malimutan.

He wanted to turn his back and run away. Pagkakamali ang pagtawag sa pangalan nito pero hindi na niya nagawang gumalaw pa. Lumingon sa kanya si Clara. Napalunok pa nga siya sandali bago nakapagtanong.

“Bakit ka nandito?” Inipon ni Harry ang lakas ng loob sa katawan para hindi magmukhang kinakabahan. Pero sa totoo lang, gusto nang makawala ng puso niya mula sa kanyang ribcage at tumakbo palayo sa lugar na ‘yon.

Naghintay siya ng reaksyon mula kay Clara. He was not an over-thinker, but the longer she stood still, the more anxious he got.

Tama ba na sumunod ako sa kanya?

Paano kung ayaw pala niya akong kausap?

Mas gumwapo na ba ako?

Pakyu ka talaga, Harry. Hindi ka nag-shampoo ngayon! Pakyu—

Nagtaas ng kilay si Clara. Napansin niya agad ang isa sa mga hindi nagbago rito: kilay. Hindi sabog, pero hindi rin trimmed.

Simplicity was just one of the many things he liked about her. But tonight, she looked elegant. The black tank top fit her perfectly. Hindi ito masikip, pero hapit nito ang kurba ng kanyang katawan. Harry knew she wasn’t the sexiest girl in the planet but he adored her. Kahit may kaunting taba, halatang hindi conscious sa katawan si Clara.

But the black tank top, white skinny jeans, and black boots looked simple yet elegant on her. In Harry’s eyes, that is.

Tumingin sandali si Clara sa hawak na bote ni Harry. Saka ito ngumiti. Her teeth weren’t the perfect set of pearly whites. May sungki ito sa may kanan at doon natuon ang kanyang pansin.

“Kasi wala ako doon.”

He smirked. “Grabe, nakakatawa naman ‘yon.”

“I know right, ang funny ko,” natatawang sabi ni Clara. “Ikaw bakit ka nandito at wala doon?”

As if on cue, lalong lumakas ang tugtugan sa loob. Rinig na rinig din ang malakas na boses ng lalaki na kumakanta ng Let It Go.

“Hindi ko na nakayanan scream version ng Let it Go ni Paco!” sabi niya sabay tumawa. Clara joined him.

Halos hindi na makita ang mga mata ni Clara. Singkit kasi ito – isa sa maraming dahilan kung bakit nahulog ang loob ni Harry dito. Hindi siya nakaiwas ng tingin sa pagkunot ng noo ni Clara. Napatitig siya.

“Ano’ng problema mo? Ba’t nakatitig ka?”

Ngumisi si Harry. Sinuklay niya ang buhok mula harap palikod. “Para mahiya ka.”

“Bakit ako mahihiya?” Clara arched a brow.

“Ang normal na babae nahihiya ‘pag tinititigan ng lalaki.”

Lumawak ang ngiti ni Clara. “Pasensya na ha, hindi yata ako normal.”

“Alam ko naman.”

Clara glared. “Ano’ng point mo?”

Tumungga si Harry sa hawak na bote. Tumingin siya sa madilim na kalangitan; halos walang bituwin ang gabi.

“Hindi ka pa rin nagbabago,” ani Harry.

Natahimik silang dalawa. Rinig ang Do You Want to Build a Snowman scream version sa loob. Dahil pamilyar ang boses, sigurado si Paco pa rin iyon. Mukhang walang may lakas ng loob para kunin ang mic dito o nag-e-enjoy ang lahat sa pagsigaw ng kaibigan.

Inalok ni Harry ang bote kay Clara. “Gusto mo?”

Ngumiwi si Clara. “I don’t drink.”

“Hanggang ngayon?”

“Dapat ba manginginom na ako ngayon?”

Kumunot ang noo ni Harry. “Hindi naman pero. . . akala ko lang.”

“Akala mo?” tanong ni Clara. “Kasi may tattoo ako sa braso? O piercings sa tainga? Dapat ba all-out na badass ako?”

Ngumisi si Harry. “Oo, eh. Hindi ka pa full-blown badass.”

Natawa si Clara. “Hindi na badass tawag doon. Adik na. Adik!”

“Aray!” Hinawakan ni Harry ang kanyang dibdib, animo’y nasasaktan. “Nakakasakit ka na.”

Inirapan siya ni Clara. “Akin na nga!” Hinablot nito ang bote ng beer na hawak ni Harry. Tumingin ito sandali sa bote bago nagsalita muli. “May alcohol ka?”

“Para saan?”

“Pupunasan ko lang ‘tong bibig ng bote. Ginamit mo, eh.”

Napanganga si Harry sa pagtawa ni Clara. Muli niyang sinuklay ang buhok. “Grabe ka. Para namang may nakakahawa akong sakit.”

“Wala ba?”

Sumimangot si Harry. “Akin na nga! Sinaktan mo na nga ako dati, sinasaktan mo na naman ako ngayon,” sabi niya habang pinipilit na hindi ngumiti.

“Ito na nga, iinumin na!”

“Huwag na.”

“Sige, huwag na.” Binalik ni Clara ang bote sa kamay ni Harry. Sandaling kinilabutan siya sa pagtama ng kanilang mga kamay. Parang kinuryente siya. Nawala ang ngiti sa mukha ni Clara nang sabihing, “Seryoso, hindi talaga ako umiinom.”

Tumungga ulit si Harry. “Oo, alam ko.”

Gustong pang magsalita ni Harry. Masyadong matagal na ang katahimikan na bumabalot sa kanila. Natatakot siyang baka bigla na lang itong pumasok sa loob. O kaya magpaalam para mag-CR at hindi na bumalik pa. Pwede niyang basagin ang hawak na bote sa ulo niya. Paniguradong may pag-uusapan na sila.

Pero handa na ba siyang masaktan para lang doon?

1 2 3 4 5Next »

Posted:

Issue:
Head First, Fearless
For the past eight years of writing, Rayne Mariano's stories are of different genres, approach, and style. She aims to challenge herself by writing beyond her boundaries and exploring new things. When she’s not busy in school studying Multimedia Arts, Rayne is at home in Valenzuela doing things a normal girl would do: being a couch potato.

18 Responses to “Ex Talk”

  1. Vianne

    Ate Rayne did a nice job here (lagi naman hehe). Kahit 5 parts pa lang, makikita na yung mga issues na dapat binibigyan pansin besides love (health, family issues, im-gonna-change-myself-for-you lines) – and this is one of the things I love about her. Para kasi sakin, sa bawat story niya, may something kung saan di lang basta mapapa-“IKR” kaming readers, kundi makakaapekto ‘to samin tapos mapapareflect kami sa buhay namin (ANSAVEEE?!) I also like the feeling while reading it, na kahit may sense of humor na nasisingit ay lumalabas pa rin yung wholesomeness ng plot at maturity ng characters. Siguro may ilang sentence lang na di masyadong okay yung consistency ng language na ginamit pero all in all,maganda naman. Another story na dapat subaybayan. Keep it up Ate! HIhi <3

    Reply
  2. Rose Ann F.

    Ang galing at ang ganda nang pagkakasulat ni ate Rayne. Nagustuhan ko yung kwento. Ramdam ko bawat palitan ng salita ng mga characters. Sa umpisa nakakatuwa yung sagutan nila hanggang sa lumalim na ang kanilang paguusap. Tinamaan ako sa sinabi nung babae about sa dahilan niya kung bakit dineactivate niya yung facebook accnt niya.

    Nagulat din ako sa ending. Unexpected.

    Reply
  3. Jodi Marielle R. Santiago

    Good job ate Rayne! Nakagawa ka na naman ng isang magandang storya na makakapagparealize ng mga readers ❤❤❤ Another A-MUST-READ STORY!

    Reply
  4. Karla Mae Caculitan

    Ang galing talaga ni Ate Rayne! Kuhang-kuha niya ang panlasa ng reader!

    Reply
  5. Janine Dela Cruz

    Sa apat na istorya ito talaga ang pinaka nagustuhan ko napakaganda talaga

    Reply
  6. Jennie C.

    This story is ugh. Bagay na bagay ung kanta na ‘Sayang na Sayang’ by Aegis. Grabeee. ‘Yung akala ko magkakabalikan sila pero ung twist. Huhuhu. At first naguluhan pa ako sa ending pero nung binasa ko ulit napa-wow ako. Andami ring WOW dito-Words Of Wisdom. Hehehe

    Reply
  7. Micaella Bigtas

    light story for me, but very nice~~~~ I already smile reading the first few paragraphs. 🙂

    Reply
  8. Yue

    I really love all of Rayne’s stories. Like this one, nakakarelate talaga. Plus hindi katulad ng ibang romance story na patwetus lang. Rayne’s stories is always deep. Its not always the kilig…its about the characters background and how it affects their love story.. thumbs up!

    Reply
  9. Missmaple

    I love Rayne’s story. Napaka-creative ng pagkukwento. Hindi ko inaasahan ang ending. Thumbs up! <3

    Reply
  10. Bernadette Miralles Uy

    Title palang, catchy na siya. Macucurious ka `kung about saan `yung pag-uusapan `nung mag-EX.
    Short story pero hindi siya nakakabitin. Sa isang story na ito, napagsama-sama ang ilang genre. May nakakatawa, seryoso, nakakaiyak. Kakaiba talaga. Kapag talaga ‘Rayne Mariano/Pilosopotasya’ unique, eh. Nice start and nice ending.

    Reply
  11. Clariecel S. Marilla

    Grabe ang ganda nung story <3 <3 yung mga line na sinasabi ni Clara relate much 🙂

    Reply
  12. Maryjoy M. Bautista

    Grabe, Idol talaga kita ate Ulan! Ang ganda. Tapos yung plot twist pasabog. Umaasa talaga ako na magkakabalikan sila at napatunayan kong masakit pala talagang umasa. Hahaha. Anyway, all in all, ang ganda talaga. Yung mga linyahan na ayos na ayos talaga. Thumbs up ate Ulan. Sana may part two. Hahaha.

    P.S. Pakiramdam ko magiging Future Clara ako dahil sa binabalak kong pag-withdraw sa online world. Hahaha.

    Reply
  13. .ces.

    Story is great. Plot twist, swak na swak. Way of writing, maayos. Pero may isang scenario na naguluhan ako kung sino yung nagsabi nung isang dialogue, Harry tas biglang, “ay si Clara pala nagsabi.” Smooth and light yung kwento pero the way ng pagkakakwento sa mga readers ng nangyayari ay ayos, parang nakikichismis ka lang tapos may dalawang naguusap. Keep it up. You are so close to your dream. Isang sundot ng kulangot sa ilong na lang.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *